Friday 29 January 2010

PINAGMULAN NG APELYIDONG DELA VEGA

     
        Kung ang apelyido mo ay dela vega,marahil ay nagtataka ka kung saan at kung kanino nagmula ang apelyido mo.Kung nakikilala nyo si Diego Dela Vega,na director ng original Zorro,siya ay taga-California kung saan umano dito nagmula ang kauna-unahang taong may apelyidong Dela Vega sa buong Mundo.Siya ay si Conrado Dela Vega.Siya umano ang pinagmulan ng lahing Dela Vega sa buong mundo.
     
         Ngunit may mga libro akong nabasa na nagtuturo na si Alhazen Dela Vega ng Puerto Rico.Siya daw ang ugat ng apelyidong dela vega.Si Alhazen ay isang mahusay na mangangalakal sa Puerto Rico noong 12-siglo.

         Pero paano nga ba nakapasok ang apelyidong dela vega sa ating bansa?

         Base sa mga datos na nakalap ko at ng mga kasamahan ko,si Eulogio Villalobos Dela Vega ng Barcelona,Spain ay ang kauna-unahang taong may apelyidong Dela Vega na nakapasok sa ating bansa noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas.Siya ay isang mabait na Espanyol hindi tulad ng iba na malulupit.Binata pa lamang siya ng dumating sa pilipinas.

         Dahil sa angkin nyang ka-gwapuhan ay maraming kababaihan ang nahumaling sa kanya.Ngunit may isang babae syang inibig ng tapat.Ito ay si Teresita Balocating.
       
         Nagkaroon sila ng 3-lalakeng anak at 1-babaeng anak.Dito na nag-umpisang kumalat ang apelyidong Dela Vega sa buong Pilipinas.